ANG KOMPANYA

EDI-Staffbuilders Internationalay tumanggap ng pinakamataas na pagsipi sa lugar ng pag-recruit sa ibang bansa mula sa pamahalaan ng Pilipinas:

      Presidential Award of Excellence

>Mula sa inspirasyon ng tagumpay ng aming parent company, John Clements Consultants Inc. (ang pioneer sa Executive Recruitment sa Pilipinas), nagsimula ang EDI-Staffbuilders International, Inc. sa Bahrain noong 1978 upang punan ang lumalaking pangangailangan para sa Filipinong inhinyero at iba pang mga propesyonal sa Gitnang Silangan.

Nagsimula lamang sa tatlong pioneer na miyembro na kawani, kabilang ang may-ari at tagapagtatag, na si Leocadio Dominguez (isang Corporate Executive, CPA at MBA mula sa Harvard Business School), and EDI ay tinaguriang leader sa industriya nang pagrerecruit mula noon hanggang ngayon.

Ang aming kaalaman at kadalubhasaan sa paghahanap, pangangalap, at pagrerecruit ng mga mga kandidato ay natatangi at mahusay na itinatag dahil kami lamang ang international recruitment agency sa Pilipinas na may mga offices sa Saudi Arabia, Indonesia, at sa U.S.A.
Bukod pa rito, may mga alyansa kami sa mga prestigious recruitment consulting agencies sa Australia, Singapore, Malaysia, Europe, Africa, at U.S.A.

Ang isa pang competitive advantage na mayroon kami ay ang aming patakaran ng pagbisita sa bansa, kung saan kami nagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers. Gusto namin makasigurado na tunay, kapaki-pakinabang, at protektado ang mga OFWs sa mga bansang kanilang pupuntahan.

Gayundin, palagi naming binibisita ang aming mga kliyente sa kanilang mga lugar ng operasyon upang lubos na maunawaan pa ang kanilang mga tunay na pang angailangan at maibigay ang pinakamahusay na payo, kapag kinakailangan, nang walang dagdag na gastos.

Ang aming computerized talent bank ay regular na na-update at naglalaman ng mahuhusay at experyansadong mga workers, kaya mabilis at madaling makapagbibigay ng qualified candidates sa aming mga kliyente, para iba’t ibang industrya pa man..

Ang aming malawak na karanasan sa recruitment at ang aming aktibong pakikisalamuha sa mga natatangi at pinakamahusay na international companies sa bawat industriya ay aming kalakasan naming para sa Globalization.

Nag-lakas loob kami na tumuklas ng isang merkado kung saan walang merkado! Sa aming mga paglalakbay at tahasang pagsaliksik ng isang mas malawak na saklaw ng posibleng target na merkado, mayroon na kami ngayon ng isang masusing pag-unawa sa recruitment market kahit saang panig ng mundo.

Ito ang dahilan kung bakit kami ay katiwa-tiwala na maaari naming maibigay ang walang kapantay na serbisyo sa aming mga kliyente.

Sa ilalim ng Pamumuno ni Cesar Averia Jr.

Ang mga Tagapahamala ng EDI-Staffbuilders International

>Nakipagtulungan si Cesar Averia Jr sa tagapagtatag ng EDI na si Leocadio Dominguez, noong 1983. Sinimulan nila ang gawain sa pamamagitan ng pagbuo ng iba't ibang mga merkado sa Gitnang Silangan, Africa, Asia Pacific, USA at Latin America. Si Mr. Averia, na isang matagumpay na Civil Engineer bago maging kabilang sa EDI, ay ang kasalukuyang pangulo ng kumpanya.

Ang lubos na kaalaman sa recruitment market kasama ang karunungan na natutunan mula sa kanyang karanasan, at ang patuloy na dynamism sa pamumuno na Mr. Averia ay nagbibigay gabay sa pamilya ng EDI-Staffbuilders International.

EDI TEAM